Ako si May Guevarra Manzano, pinanganak noong ika-20 ng Mayo taong 1994 sa Victoria,San Mateo Isabela. Ako ay panganay na anak nina G. Faustino Reyes Manzano at Gng. Delia Guevarra Manzano.
Ang ate ng dalawa kong nakababatang kapatid na sina Lyn Guevarra Manzano at Sheryl Guevarra Manzano.
Ako'y limang taong gulang nung unang pumasok sa paaralan sa mababang paaralan na Victoria at ako ay nag aral sa mataas na paaralan ng Salinungan at ngayon ay kasalukulang nag aaral sa Central Luzon State University atkinukuha ang kursong BSIT,ako ay nasa ikalawang taong ng kolehiyo.
Ang musikang aking kinahihiligan ay ang mga musika ng bansang Hapon,na naging daan para ako ay magkaroon ng interest para pag-aralan ang kanilang wika. at mahilig din ako sa mga pilikulang kanilang ginagawa at maging mga anime na kanilang ginagawa.
Ang aking pangarap sa buhay ay makapagtapos sa pag-aaral.magkaroon ng disenting trabaho sa labas ng bansa upang ako ay makatulong sa aking magulang.
Manzano Family
Faustino Reyes Manzano
38(deceased)
Siya ang aking ama si g Faustino R. Manzano, siya ay ipinanganak noiong ika-16 na pebrero taong 1972. Ang aming mabait at very supportive na ama,ngunit siya ay sumakabilang buhay na dahil hindi niya nalagpasan ang sakit na diabetis.Electrician ang kanyang trabaho noong siya ay nabubuhay pa. Laging nanjan para sa amin at ipinaparamdam na mahal na mahal kami at mahalaga kami sa kanya.
Delia Guevarra Manzano
Siya naman ang aming Ina si Gng. Delia G. Manzano,tatlumpot siyam na taong gulangsiya ay pinanganak noong ika-3 ng abril taong 1972.,Siya ay kasalukuyang natatarabaho sa ibang bansa(Hong Kong), siya ay kumabas ng bansa para sa kinabukasan namin. siya ay isang mapagmahal, mabait at isang maalalahaning ina.
Lyn Guevarra Manzano
Si ay si Lyn G. Manzano ang pangalawa sa aming makakapatid, siya ay labing tatlong taon gulang, siya ay pinanganak nung ika-27 ng Setyembre taong 1997. siya ngayon ay nasa ikatlong taon sa secondarya, siya ay kasalukuyang nag-aaral sa San Mateo Vocational And Industrial High School(main)
kami ay magkaparehas sa halos lahat ng bagay, pati mga musikang kinagigiliwan, mga idolo, mga paboritong pelikula, at maging ang bansang gusto naming puntahan at mga pangarap sa buhay.
Sheryl Guevarra Manzano
Siya si Sheryl G. Manzano ang aming bunso sa pamilya, siya ay pitong taong gulang, siya ay pinanganak noong ika9 ng Mayo taong 2004. Siya ay nasa unang taon ng grade one,una siyang nag-aral sa Saint Bede Learning Center ng dalawang taon at ngayon siya ay nag aaral sa Victoria Elementary School.
Ito ang aming Pamilya,Masaya,nagmamahalan,pinapahalagahan ang bawat isa at laging natutulungan.<3<3<3




