Lunes, Oktubre 3, 2011

Liham para kay sir Jason

Sir,
             Bago po ang lahat nais ko po muna kayong batiin ng magandang araw.
Sir masasabi kong isa kayo sa pinakamabait at magaling na guro na aking nakasalamuha. Madami po akong natutunan sa inyo sa loob ng dalawang semester, at dahil po yan sa inyong istilo sa pagtuturo. Naging Masaya ang bawat umaga namin dahil sa inyo kahit na nababawi din yon pagsapit ng major subjects.<lol>. Napupuno ng tawanan and silid aralan  pag kayo ay nag discus na,marami sa amin ang gusting kayo parin an gaming maging guro sa darating na semester dahil nagging Masaya ang aming klase pag FILIPINO110 na at si SIR JASON na ang nagturo.
        Sir sana kahit hindi na ikaw an gaming guro sa susunod na semester ay pansinin mo parin kami.At turuan na rinJ.
GODbless Sir. GOOD health and more blessings to come. Stay humble and nice…… WE WILL MISS YOU SIR

Ang aking karanasan sa FILIPINO 110

                              Masasabi kong Masaya ang aking nagging karanasan sa Filipino 110 .Sa bawat meetings na natutu at nagkakaroon ng mga bagong kaalaman. Ang  paggawa ng “blog” isa sa  aming asignatura ,ay  may hatid na maganda at di malilimutang karanasan. Mawiwili ka sa paggawa nito dahil maaari mong ilathala ang iyong mga naging karanasan ,mga nais ipahatid at mga damdaming nais na ibahagi sa iyong kapwa. Kahit nangangawit na minsan sa paggawa ng mga enri sa blog  hindi mo parin mapipigilan ang iyong sarili sa paggawa nito dahil alam  ko sa aking sarili na ako’y Masaya sa aking ginagawa.Minsan kahiy gibihin at ma curfew dahil sa pag wiwi-fi para makagawa ng blog ay  masasabi paring “okay lang yan,minsan lang naman at least may nagawa ka at may natapos ka”.
          Isa sa  aking mga hindi malilimutang karanasan  ang paggawa ng blog. Dahil para na rin itong jornal at diary.  At nakagawa ako ng iba pang blog dahil sa aking pagkawili sa paggawa.

Sining ng aking pangalan

PARAISO
isang tula mula sa aking pangalan


Munting paraiso sa puso ng tao
Angking kabaitan na syang bumubuo
Yan ang panatiliin sa ating puso.


BY:MAY

Si P-NOY para sa PINOY

Masasabi kong maganda ang pamamalakad ni P-NoY sa ating bansa. Siya ay isang magaling na pinuno sa kanyang nasasakupan at siya ay isang taong may busilak na kalooban.
        Siya ay tumutulong sa mga nangangailangan at ginagawa niya ang kanyang makakaya mapaunlad lang ang bansang pilipinas. Ngunit alam nating lahat na lahat ng bagay dito sa mundo ay hindi perpekto mayroon at mayroon paring mga pagkukulang at kamalian. At si P-NOY sa isa ring tao na hindi perpekto at nagkakamali rin.
        Nais kong gawin ni Pangulong Noynoy ay ang maglibot sa bansa upang malaman niya ang kalagayan ng mga mamamayan sa bansang kanyang nasasakupan ng sa gayon mas mging maganda ang bansa. At nais ko ring hilingin niya sa bawat Pilipino ang pagkakaisa para sa ikaununlad ng bansang Pilipinas.