Lunes, Oktubre 3, 2011

Si P-NOY para sa PINOY

Masasabi kong maganda ang pamamalakad ni P-NoY sa ating bansa. Siya ay isang magaling na pinuno sa kanyang nasasakupan at siya ay isang taong may busilak na kalooban.
        Siya ay tumutulong sa mga nangangailangan at ginagawa niya ang kanyang makakaya mapaunlad lang ang bansang pilipinas. Ngunit alam nating lahat na lahat ng bagay dito sa mundo ay hindi perpekto mayroon at mayroon paring mga pagkukulang at kamalian. At si P-NOY sa isa ring tao na hindi perpekto at nagkakamali rin.
        Nais kong gawin ni Pangulong Noynoy ay ang maglibot sa bansa upang malaman niya ang kalagayan ng mga mamamayan sa bansang kanyang nasasakupan ng sa gayon mas mging maganda ang bansa. At nais ko ring hilingin niya sa bawat Pilipino ang pagkakaisa para sa ikaununlad ng bansang Pilipinas.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento